Advertisers

Advertisers

4 pulis na sugatan sa engkwentro sa Samar ligtas na

0 32

Advertisers

NASA maayos nang kondisyon ng 4 pulis na nasugatan sa engkwentro nang magsisilbi ng warrant of arrest sa Ampoan Criminal Group sa Barangay Mahayag, Sta. Margarita, Samar, Martes ng umaga.

Ayon kay Philippine National Police – Public Information Officer (PNP-PIO) Chief, Colonel Jean Fajardo, nabigyan narin ang 4 na pulis ng financial assistance.

Ang tatlong pulis namang nasawi ay naihatid na sa kanilang mga kamag-anak at nabigyan narin ng tulong-pinansyal ang mga ito.



Samantala, pito sa mga suspek sa pananambang ang naaresto ng mga otoridad.

Pero sa ngayon, nagpapatuloy pa ang pagtugis sa mga miyembro ng grupo na subject ng warrant of arrest na sina Edito Ampoan, Jojo Altarejos at Rogelio Macurol.



Paliwanag ni Fajardo, posibleng natunugan ng mga suspek ang operasyon ng mga pulis dahilan para matambangan ang mga ito.

Aniya, malaking grupo ang Ampoan dahil sangkot ito sa gun for hire activities at patayan sa lugar.



Maliban dito, may 2 iba pang criminal groups ang sumapi sa Ampoan.

Naglatag na ng maraming checkpoints ang pulisya upang matiyak na hindi makakatakas ang mga suspek.

Ayon kay Fajardo, kasong murder ang isasampa sa mga suspek, habang patuloy ang pagtugis kina Ampoan, ang lider ng Ampoan criminal group; Jojo Altarejos, miyembro ng Manias criminal gang; at isang alyas Macurol, pawang may mga warrant of arrest.