Advertisers

Advertisers

Lolo nag-motel kasama ang batang gf namatay sa sarap

0 51

Advertisers

NASAWI ang 75-anyos na lalaki nang mag-check in sa isang motel kasama ang kanyang batang girlfriend sa Old Sta. Mesa, Maynila.

Ayon kay SSg John Paul Rojo ng Manila Police District-Homicide Section, dead on arrival ang matanda na taga-Mandaluyong City sa Our Lady of Lourdes Hospital 2:00 ng hapon.

Nabatid na nag-check in ang biktima kasama ang kanyang girlfriend na taga-Malabon 12:00 ng tanghali sa ‘di pinangalan na hotel sa Old Sta. Mesa.



Sinabi ng nobya na 2:00 ng hapon nang mapansin niya na hindi na kumikilos ang partner, dahilan para humingi siya ng tulong sa hotel staff.

Ayon kay Ben Villamin, roomboy, 12:30 ng tanghali humingi pa ng tubig sa baso ang biktima at napansin niya na para itong balisa at nahihilo.



Samantala, sinabi ng anak ng biktima na may sakit sa puso, diabetic at hypertensive ang kanyang ama at sumailalim na ito sa bypass surgery noong 2013.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">