Advertisers

Advertisers

2 NPA todas sa sagupaan sa Masbate

0 9

Advertisers

NASAWI ang dalawang miyembro ng New People Army (NPA) sa engkwentro sa pagitan ng militar at rebelde sa Cawayan, Masbate, Lunes ng umaga.

Kinilala ang mga nasawing rebelde na sina Florencia Ygot Regala at Pedro Regala, kapwa miyembro ng Platoon 1 Komite Larangan Guerilla South, Sub Regional Committee 4.

Ayon kay Major Frank Roldan, spokesman 9th Infantry Division, 7:00 ng umaga nang makaengkwentro ng mga elemento ng 2nd Infantry Battalion ang hindi batid na bilang ng mga rebelde sa Brgy. Tuburan, Cawayan.



Nakita ang labi ng mga rebelde ng mga sundalo sa clearing operation at nasamsam ang M16 rifle, cal 38, homemade shotgun, 5 cellphone, back bag na naglaman ng mga personal na kagamitan sa piangyarihan ng engkwentro.

Patuloy ang pagtugis ng mga sundalo sa mga tumatakas na mga rebelde.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">