Advertisers
INIHAYAG ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benjamin Abalos Jr. na hindi pinatulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panawagan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.
Sinabi ni Abalos sa ambush interview sa Malacañang, hindi napag-usapan sa kanilang sectoral meeting nitong Martes ng umaga ang isyu sa One Mindanao, at sa halip ay sumentro ito sa pagpapalakas ng cybersecurity system ng Philippine National Police (PNP).
Wala rin aniyang direktiba ang pangulo sa mga ahensya kaugnay sa isyu.
Dagdag pa ni Abalos, walang kautusan ang pangulo na magpalabas ng pahayag ang bawat ahensya kaugnay sa pagtutol sa naturang panawagan.
Ang lahat aniya ng ahensya na naglabas ng statement ay kusang loob na tumutol sa One Mindanao isyu at nagmamalasakit lamang sa bansa.