Advertisers
SINALAG ni Presidential Human Rights Committee Secretariat Executive Director and Undersecretary Severo Catura ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), at sinabing isang paraan ng karapatang pang-tao ang mandato ng task force para makamtan ang kapayapaan at kaunlaran.
Sa ‘virtual’ na pulong-balitaan ng Integrated Communications Operations Center (ICOC), umapila din si Catura sa mga media na tulungan ang pamahalaan maiparating ang katotohanan hinggil sa papel na ginagampanan ng NTF-ELCAC.
Dahilan ni Catura, marami ang sumisira sa imahe ng task force lalo na ang mga tao, o grupong kaalyado ng maling ideolohiyang pinakakalat ng
Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
“Ang NTF-ELCAC, sa mga ginagawa nito, ay isang human rights mechanism para punuan ang obligasyon ng pamahalaan na protektahan ang taong-bayan,” paliwanag ni Catura.
Sa pagtupad aniya ng NTF-ELCAC sa mandato nito, nagawa ng task force ang mga mga community development, livelihood programs, at mga inisiyatibong pang-kapayapaan.
“Ang ginagawa natin dito (sa NTF-ELCAC) is very much anchored sa achievement of peace and development and using a human rights-based approach to achieving that peace and development,” paliwanag pa ni Catura.
Bilang halimbawa, sa pagtutulak ng pamahalaan sa karapatang pang-tao, ayon kay Catura, ang task force naman ang nagdadala ng mga ikauunlad na pangangailangan ng mga mamamayan sa partikular na lugar.
“All the elements for the successful long-lasting peace are already there and the NTF-ELCAC is very much part of that. The NTF-ELCAC is not a ‘bardagul’, it is a peace process and a human rights mechanism that I’m very proud to say to everyone”, Ani Catura.
Samantalang, inihayag din ni Catura ang kanyang kagalakan sa ginawang pang-salag din ng Commission on Human Rights (CHR) sa rekumindasyong iniwan ni United Nations Special Rapporteur Irene Khan na buwagin na ang NTF-ELCAC.
“In fairness with Commission on Human Rights, hindi nila sinakyan agad ‘yung sinasabi na i-abolish kasi sabi nila we will take that as well but then i-assess natin kung ano talaga ang nangyayari diyan even before we say na we agree with the UNSR,” sabi Catura, na nanilbihan din ng halos dalawang taon bilang CHR director.
Ipinakita aniya ng CHR ang dedikasyon nito sa mandato at prinsipiyo ng ahensiya.
“At the same time, it gives us the chance in the NTF-ELCAC na ihahayag talaga kung ano ang nangyayari”, he added.
Nauna rito, sinabi ni NTF-ELCAC Executive Director and Undersecretary Ernesto Torres Jr. na bukas sila sa CHR para silipin ng ahensiya ang lahat nang nagawa na ng task force mula nang itatag ito noong 2018 sa bisa ng Executive Order No. 70.