Advertisers

Advertisers

Sarah at Mommy Divine nagkaayos na; Chiz naka-bonding na ang nakaalitang biyenan

0 101

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA latest post ni Heart Evangelista sa kanyang IG ay ibinahagi niya ang video na bonding ng kanyang ina na si Cecilia Ongpauco at mister na si Chiz Escudero.

Matatandaang simula nang ikasal sina Heart at Chiz noon 2015 ay nagkaroon na ng sigalot sa pagitan ng magulang ni Heart at Chiz.



Inakusahan pa nga na minamanipula raw ng mga ito si Heart noon.

Pero dahil sa pakikipaglaban ni Heart sa relasyon nila ni Chiz, napasuko rin ang tigas ng loob ng ina ng aktres.



Nakita naman nito na masaya ang anak sa piling ni Chiz kaya sinuportahan na lang nito.

Naikumpara tuloy sa mudra ni Sarah Geronimo na sana ganito na rin daw si Mommy Divine na suportahan ang kaligayahan ng anak.



***

MAY mga sitsit sa iba’t ibang showbiz platform sa pagbabati nina Sarah Geronimo at inang si Mommy Divine.

Ayon sa tsika, mismong home network owner na si Boss Vic del Rosario ang namagitan sa magkabilang panig.

Naganap nga raw ang pag-aayos ng mag-ina nito lang January.

May mga natuwa at may mga duda na nagbati na hanggang wala pang kumpirmasyon galing mismo sa mag ina.

Sakaling nagbati na, matagal na rin naman daw sinusuyo ng mag- asawang Sarah at Matteo Guidicelli si Mommy Divine.

Good news naman para sa magkabilang panig ang pagbabati na ito ng mag-ina.

Wish ng netizens na makita na si Matteo na bina-bonding ang biyenan  na tulad kina Heart at Chiz na nagkaroon din ng tampuhan pero ngayon ay  close na.

Well, well, well…’Yun na!