Advertisers

Advertisers

Zumba dance sa National Womens Month

0 6

Advertisers

TINATAYANG libu-libong kababaihan mula sa Quezon City ang lumahok sa Zumba dance na tinaguriang ‘Sumayaw at Umindak na ginanap sa Visayas Ave. sa Quezon City sa kick-off celebration ng Women’s Month nitong Miyerkules noong Marso 6. Tinatayang 6,000 kababaihan ang lumahok sa sayaw aktibidad.

Ang selebrasyon ay pinangunahan ni Congresswoman Marivic Co-Pilar at Congw. Yedda Romualdez ng Tingog Party List ang kick -off ceremony ng Womens Month celebration sa District 6.

Nabatid na ang National Womens Month ay isang pandaigdigang araw na ipinagdiriwang ang panlipunan, pang-ekonomiya, kultural at pampulitika na mga tagumpay ng kababaihan.



Ayon kay Rep. Marivic Co-Pilar ang Womens Month ay minarkahan bilang isang panawagan sa pagkilos para sa pagpapabilis ng pagkakapantay-pantay ng kababaihan.

“Ang pagbibigay ng patay na Karapatan sa mga kababaihan sa lipunan ang isang mahalagang mensahe ng Womens Month” ayon kay Co-Pilar.



Sinabi pa ni Co-Pilar na ang National Womens Month ay ang pagbibigay sa sector ng kababaihan ng pantay na karapatan sa lipunan.

Ayon pa sa Kongresista ng District 6 kinikilala na rin ngayon ang kahalagahan ng mga Karapatan ng mga kababaihan hindi lamang sa Karapatan sa pagta-trabaho kundi maging sa lipunang na kanilang ginagalawan. (Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">