Advertisers
NASAWI ang 33-anyos na operator ng heavy equipment nang madaganan ito sa Barangay Tagabas Ibaba, Quezon, Lunes ng umaga, Abril 8.
Kinilala ang biktima na si Arjay Pondiveda, empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Quezon 3rd Engineering District Office (DEO) at residente ng Barangay 10 dito.
Nadurog ang ulo ng biktima at namatay noon din matapos na buhatin ni Arvin Dural, isang backhoe operator, ang dump box ng isang dump truck gamit ang backhoe na aayusin ng biktima.
Sa kasamaang palad, ang hydraulic hose ng backhoe ay biglang nag-malfunction at sumabog, naging sanhi ng pagkahulog ng kagamitan sa likod ng dump truck.
Sugatan naman sa insidente si Maximo de la Cruz, 62, welder, ng Barangay Dahican dito.
Nahaharap si Dural sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at physical injury.