Advertisers

Advertisers

Mas mainit na panahon mararamdaman sa Mayo – Pagasa

0 16

Advertisers

IPINALIWANAG ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na inaasahang mas titindi pa ang nararamdamang init ng panahon hanggang sa katapusan ng buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon.

Sinabi ni Dra. Ana Solis hepe ng Climate Monitoring and Prediction chief ng Pagasa na sa Metro Manila pa lamang, maaaring tumindi pa ang maramdamang init factor dahil sa epekto ng El Niño.

Sa ginanap na QC Journalist Forum, sinabi ni Solis, nitong April 15 naitala ang maximum daytime temperature na 36.9 degrees celcius sa Pasay City at maaaring tumaas pa ito hanggang sa buwan ng Mayo.



Ayon pa dito mas mainit aniya ang mararamdamang init sa mga urban areas dahil matindi ang heat emission ng mga sementadong lugar tulad ng mga gusali, kalsada.

Idinagdag pa ni Solis na mas mainit din anya ang nararamdaman ng isang tao kung maalinsagan ang panahon dahil hindi gaano nagpapawis ang mga tao. (Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">