Advertisers
KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Senador Win Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore sa pagdiriwang ng ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Rizal Park nitong Biyernes, Hunyo 12.
Sa kaniyang talumpati, binanggit ng pangulo si Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore kasabay ng pagbati sa iba pang opisyal.
Nagbigay din ng palakpakan ang ilang dumalo matapos banggitin ng Pangulo ang pangalan ni Gatchalian.
Si Gatchalian din ang kumatawan sa Senado sa okasyon.
Samantala, hindi naman dumalo si Senador Alan Peter Cayetano sa programa. (Vanz Fernandez)