Advertisers
INAPRUBAHAN na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang limandaang pisong umento sa buwanang sahod ng mga kasambahay sa Central Visayas.
Epektibo sa May 11, 2024, P6,000 na ang monthly salary ng mga domestic worker sa chartered cities at first-class municipalities habang P5,000 sa iba pang munisipalidad.
Kinonsidera sa wage hike ang resulta ng survey at public hearings na isinagawa, gayundin ang mga pangangailangan ng domestic workers at kanilang mga pamilya, ang kakayahan ng employer na magbayad, ang ang umiiral na socio-economic conditions sa rehiyon.
Ang Board na binubuo ng government, management, at labor sector representatives ay nagsagawa ng public hearings noong Abril 7, 2024 sa Minglanilla, Cebu, at ng wage deliberation noong Abril 18, 2024.
Inaasahang nasa 107,931 domestic workers, na tinatayang 14% (15,099) sa mga ito ay nasa live-in arrangements, ang makiki-nabang sa taas-sahod.
Magsasagawa ang RTWPB VII ng information campaigns upang matiyak na masusunod ang bagong wage order.
Huling tumaas ang sahod ng mga kasambahay sa rehiyon noon pang June 14, 2022.