Advertisers
DATING warzone na ngayo’y ginagawa nang economic hub ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilalim ng “Bagong Pilipinas.”
Ganyan inilarawan ni PBBM ang Cotabato matapos pangunanahan ang inagurasyon ng Malitubog-Maridagao Irrigation Project Stage II (MMIP II) ng National Irrigation Administration (NIA) sa lungsod ng Pikit.
Sinabi ng Presidente na pinasinayaan ang proyekto para sa sapat na pagkain at mas magandang hanapbuhay sa Mindanao.
Binanggit din ni Pangulong Marcos na lkayunin ng MMIP II na makapaghatid ng irigasyon sa higit 10,000 na ektarya ng lupang sakahan sa Cotabato at Maguindanao.
Maliban dito, mahigit 4,000 na pamilya rin ang inaasahang makikinabang dito, kasama ang mga dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
“Since 2020, never-ending deadly gun attacks were reported in the barangays of Pikit Municipality where 60 people were killed in bloody clashes. The locality has been called the crime capital of region 12 owing to these violent incidents arising from clan wars,” wika ni Marcos. (Gilbert Perdez)