Advertisers

Advertisers

Rosanna Roces Maraming Rebelasyon Sa Interview Sa Vlog Ni Aiko Melendez; Jules Graeser Sunud-Sunod Ang Celebration Sa Birthday

0 29

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

MATAGAL na magkaibigan sina Rosanna Roces at Councilor Aiko Melendez na naging magkapitbahay noon. At kahit matagal na hindi nagkikita ang dalawa ay walang nabago sa kanilang friendship. At nakatutuwa at maliban sa magkasama sina Osang at Aiko sa “PAMILYA SAGRADO” na ongoing na ang taping ay nag-guest pa si Osang sa well watched na Vlog ni Aiko.
At may pasabog si Osang tungkol sa naging gap nila noon ni AiAi Delas Alas na kagagawan ng kanilang producer na siya ang lumabas na masama. Pero wala na raw yun kay Osang, nanghihinayang lang siya at andami pa raw nilang naka-line up pang shows noon ni Ms. Ai. Nami-miss na raw nito ang kaibigan at kinumusta nga raw niya si AiAi sa anak nitong si Sancho nang makasama niya ito sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Samantala, aliw na aliw naman si Aiko sa mga kwento ni Osang tungkol sa kanyang childhood sa Navotas na pinagkakaguluhan siya ng mga kapitbahay at sobra niyang puti at para siyang manyika. Tawang-tawa naman kami sa chika ni Osang na habang kasama ang mga kaibigan ay may nakita siyang pagala-galang manok. Dahil sa gutom ay hinuli nila ito at ginawang adobo. Tapos yung may-ari ng manok ay hanap daw nang hanap sa kanyang alaga. Ang ganda ng review at pawang positibo ang komento ng mga nakapanood ng interview ni Aiko kay Osang na habang sinusulat namin ang kolum kong ito ay humamig na sa 333K ang views nito, and still counting syempre.



***
Youtube Channel Ni Aiko Melendez 1 Million Subscribers Na, Na-hit Na Ang Gold Button
KUWENTO ng actress-politician na si Aiko Melendez na noong nagsisimula pa lang siyang mag-vlog ay nangangapa pa siya at ang kanyang team. Kung saan-saan daw siya nagpupunta para sa content. On and off daw yung pagba-vlog niya. Sabay na inaalam na rin kung anong content ang gusto ng tao na nakuha na nga niya.
Ngayon ay patok yung ginagawa niyang interview sa mga kapwa celebrities, personalities, etc. Well, mahusay naman kasing host si Aiko at kaya niyang itawid ang interview ng walang script. Idagdag pa na malakas ang karisma niya sa mga viewer. Kaya sobrang deserve ni Ms. Aiko ang 1 million subscribers.

Yes, nitong April 28 ay nakamit na ni Aiko ang pangarap niyang 1M subscribers at sobra itong happy. Hindi naman daw masamang mangarap na totoo naman. Na in the future ay Diamond button naman. Why not? By the way, may pa-thank you post si Aiko sa kanyang official Facebook Account at maliban sa kanyang viewers ay hindi nito kinalimutang pasalamatan ang lahat ng kanyang media friends na naging supportive sa kanyang Youtube channel. Pinasalamatan din nito ang kanyang masisipag na Team, ang lahat ng barangay officials na tumulong sa kanya at nag-subscribe rin sa kanyang Aiko Melendez channel. At syempre pa, sa kanyang mga anak na sina Martina Jickain at Andre Yllana, her Mom Elsie Castaneda at partner nitong si Jay Khonghun and lastly her manager and friend Ogie Diaz.



***
SUNUD-sunod ang celebration ng birthday ni Jules Graeser na itinanghal na 2024 Recording Artist of the Year at Event At Concert Director ng AMERASIA INTERNATIONAL AWARDS. Siya (Jules) rin ang nag-direk ng said Awards Night nito.
Yes, unang selebrasyon ni Jules ng kanyang kaarawan ay ang double party nila ng ka-birthday si Bunny Paras sa sikat na THE NOYPITZ BAR & GRILL sa Los Angeles, California last April 25. Madaming friends nila ang naki-party sa kanila. Last April 27 naman sa pamamagitan ng ZOOM ay muling nakapiling ni Jules ang kanyang JulesNatics. Nasaksihan ko ang get together ng fans and supporters ni Jules sa Chick N Dunk sa may Cainta, Rizal Junction at lahat ay excited na makasama ang kanilang Daddy Jules (tawag nila sa birthday celebrant nilang idol). Samantala, aside sa pag-celebrate ng kanyang special day ay very happy si Jules at released na ang 2nd single niyang “KATUPARAN” na follow-up sa first single na “MAARI BANG IBIGIN KO?” na both written and composed by Vehnee Saturno. At kung sa una niyang single ay nagtatanong si Jules kung maari bang ibigin ka?

Sinagot ito ng bago niyang single na Katuparan. Available na ito sa mga popular Digital Music Platforms like Spotify, Amazon Music, Apple Music, iTunes, Youtube, Tiktok and Jules Instagram and all other streaming platforms. Maliban sa pagiging recording artist si Jules ay kilalang KING OF HOSTING ng iba’t ibang events at multi-awarded Talk Show host na may dalawang TV programs na Chatterbox at sa CHIME TV na kabilang siya sa mga popular hosts ng “A Look Into Our America.” Madalas palang ma-feature si Jules sa mga famous Lifestyle & Entertainment Magazine and Broadsheet sa US.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">