Advertisers

Advertisers

KONSEHALA, MISTER, 2 PA HULI SA ILLEGAL FIREARMS; BAHAY NIRANSAK NG 23 ‘PULIS’

0 36

Advertisers

ARESTADO ang isang aktibong konsehala, mister nito at dalawa pang kasama sa isinagawang pagsalakay ng PNP-Criminal Investigation and Dtection Group (CIDG) sa illegal na pag-iingat ng mga armas sa kanilang tahanan sa Barangay Timalan Balsahan, Naic, Cavite.

Kinilala ang mga inaresto na sina Maria Theresa B. Puno, 58 anyos, councilor ng Naic, Cavite; asawa nito na si Joselito M. Puno, 59, kapwa ng Sitio Lontoc, Brgy. Timalan Balsahan, Naic; at ang dalawa pang kasamahan na sina Jerome Gabelo 36, ng Pasinaya Prime South, Brgy. Sabang, Naic; at Jonard Crispo Adan, 35, ng Brgy. San roque, Daet, Camarines Norte.

Sa ulat, 3:00 ng hapon nang ilatag ng CIDG Southern MM DFU, NCR RFU CIDG at Naic Police ang pagsalakay laban sa mag-asawang Puno sa ilalim ng OLEA at Oplan Paglalansag Omega, bitbit ang search warrant mula sa RTC Branch 36 ng Calamba City dahil sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms).



Narekober sa bahay ng mga suspek ang iba’t ibang uri ng mga baril, magazines at mga bala.

Samantala, habang nasa kustodya ng pulisya ang konsehala at mister, sumalisi at pinasok 7:00 ng gabi ng Sabado ng 23 lalaki na nagpangggap na mga pulis ang kanilang bahay na unang ni-raid ng CIDG.



Pagpasok sa bahay, hinanap si “Mrs. Puno” at nang ‘di makita agad nilimas ng grupo ang mga pera at mahahalagang gamit ng pamilya at sinira pa ang ibang kagamitan ng konsehala bago nagsitakas ang mga ito.

Ang grupo ay sakay ng anim na iba’t ibang uri ng sasakyan at dire-diretsong pumasok sa bahay ng konsehala.



Kabilang sa mga natangay isang susi ng Toyota Grandia (DBA 7865), susi ng Mitsubishi Montero Sport, mamahaling speaker, drum set, brand new aircon nagkakahalaga ng P24,000, DSLR M50 Canon camera at isang bag ng P500,000.

Ayon sa pulisya, agad nilang naaresto ang mga magnanakaw na pawang sibilyan at sinampahan ng mga kasong robbery, malicious mischief, threat, at usurpation of authority.

Narekober ng awtoridad ang Toyota Fortuner (ZFG886) na ginamit ng mga magnanakaw, 2 tricycle, isang Suzuki MC (DC 66876), Honda Click motorcycle (54UND) at Yamaha NMax.