Advertisers
Ni OGGIE MEDINA
SAKAY ako ng pribadong sasakyan patungo sa Citta Italia Village sa Bacoor, Cavite nang matanaw ko ang isang mestisa’t napakagandang babae na nag-aabang ng tricycle.
Sabi ko sa mga pinsan ko, sisikat ang babaeng iyan at parang familiar siya sa akin. Parang nakita ko na siya sa loob ng campus ng De La Salle University Dasmarinas , Cavite kung saan ako nagturo ng English and Journalism subjects. Di nga ako nagkamali dahil nag-aral ng sikolohiya si Marian Rivera sa La Salle.
Nabalitaan ko na lamang ang pagsikat niya. Lumabas siya sa Tagalog bersiyon ng MariMar ng GMA7. Pagkatapos ay Dyesebel, Darna at marami pang iba.
Nang minsang dumalaw ako sa set ng isang teleserye sa GMA7, laking gulat ko na nandoon si Marian at super higpit ang security sa kanya. Pinapunta ako ni Roderick Paulate noon na napakabait talaga sa totoong buhay.
Noon pa kami magkakilala ni Roderick. At nakita ko rin sa shooting si Nova Villa. Sina Roderick at Nova ay sinulat ko sa Philippine Star noong buhay pa si Ricky Lo, editor ko.
Nang lalapitan ko si Marian, super higpit ng security at ito ay pinagbawalan ni Marian na gawin sa akin. Di nagtagal, nakihalubilo ako kay Marian at sa kanyang mga tagahanga.
Protective rin ang mga fans niya at maraming tinatanong sa akin.
Si Marian ay isa sa mga celebrity na tumulong sa Tahan-Tahanan para sa mga batang may kanser at nagpasaya sa nalalabi nilang buhay.
Hindi pa kami nagkita muli ni Marian simula noon.
Nominado pala si Marian bilang Best Actress sa 72nd FAMAS para sa pelikulang Rewind.
***
PEPE Diokno, na nag-aral sa La Salle Green Hills, ay nominado sa 72nd FAMAS bilang best director para sa pelikulang Gomburza, na nominado bilang best picture. Nominado rin si Cedrick Juan bilang best actor sa nabanggit ding pelikula.
Nominado ring best screenplay, best original song, best musical score, best production design, best cinematography, best visual effects, best editing, at best sound.
Nominado rin si Enchong Dee bilang best supporting actor.
Napakaganda at napakahusay ng mga nagsipagganap dito.
***
NAALALA ko huminto ang aircon bus sa Magallanes MRT station at may sumakay na matangkad at guwapong binatilyo. At tumabi sa akin. Noong mga araw na iyon ay di pa siya gaano kilala ng publiko kaya marahil ay di pa siya na-recognized. Pero ako kilala ko siya.
Siya si Borgy Manotoc, anak ni Imee R. Marcos. Si Borgy ay pinanganak sa Honolulu, Hawaii, USA.
Ang kanyang ama, si Tommy, ay nag-aral sa La Salle Taft kung saan ako nagtapos ng kolehiyo.
Ang kanyang tiyuhin, si Ricardo Manotoc, ay nakapanayam ko na.
Bago palang sa Pilipinas noon si Borgy. Si dating Pres. Fidel V. Ramos ang namumuno sa bansa noon.
Hindi nagtagal sa bus si Borgy at bumaba rin sa Ayala MRT station.
Sabi ko, makikilala rin si Borgy sa mundo ng modelling.
Di ko pa nakikita ng personal ang mga kapatid ni Borgy.
***
MASARAP ang halu-halo sa restoran ni Jelai Feliciano, dating miyembro ng Solid Gold Dancers at nakababatang kapatid ni Mel Feliciano. Ito ang Ading J’s Halo-halo Laoag.
Sa Ilocos region na siya nakabase sa kasalukuyan.
***
HALINA samahan si Senador Imee Marcos sa kanyang bagong kwentuhan at bayanihan sa TV, ang AT THE MOMENT with IMEE tuwing Sabado, 2:30 p.m. sa One PH.