Advertisers

Advertisers

Police Colonel patay, 4 sugatan sa araro ng truck

0 8

Advertisers

NASAWI ang isang police colonel at apat ang sugatan kabilang ang tatlong menor-de edad nang araruhin ng isang pickup truck ang dalawang behikulo sa kahabaan ng South Montilla Boulevard, Butuan City, Agusan del Norte, Biyernes ng gabi.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) 13, kinilala ang nasawi na si Lt. Colonel Renars Salubre, nakatalaga sa Dinagat Islands Provincial Police Office (PPO) at residente ng Purok 6, Barangay Bading, Butuan City.

Ginagamot naman sa Butuan City Hospital ang mga sugatan, na hindi pa tinukoy ng awtoridad ang mga pangalan.



Base sa imbestigasyon, naganap ang insidente bago maghatinggabi ng Biyernes sa kahabaan ng South Montilla Boulevard, Purok 8, Brgy. JP Rizal, Butuan City.

Ayon sa pulisya, binangga ng isang Nissan Navarra pickup truck na minamaneho ng isang alays “Viv”, 43, ang isang tricycle na minamaneho ng isang alyas Felix, 36.

Tuluy-tuloy rin inararo ng pickup truck ang isa pang nakaparadang behikulo sa tabi ng highway kungsaan nagkataong nakatayo si Col. Salubre sa tabi ng kaniyang sasakyan sakay ang kaniyang pamilya.

Idineklara dead-on-arrival sa pagamutan ang opisyal.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">