Advertisers
Sinira ng mga pulis ang marijuana na nagkakahalaga ng P16.9 milyon.
Nadiskubre sa Tinglayan, Kalinga ang siyam na plantasyon na may kabuuang 76,350 fully-grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P16.7 milyon.
Isang plantasyon naman na may 1,200 fully-grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P240,000 ang natagpuan sa Brgy. Kayapa, Bakun, Benguet.
Sinunog na rin ng mga pulis sa lugar ang kanilang nakumpiska.