Advertisers

Advertisers

Daddy biglang nagising, pinagtataga 2 anak at misis

0 10

Advertisers

NASAWI ang magkapatid na 7-anyos at 11- anyos nang pagtatagain ng ama sa Iba, Zambales.

Ang ginang na sugatan din, ipinagtataka kung bakit bigla nalang nanaga ang kaniyang mister nang magising.

Nangyari ang krimen sa loob ng bahay ng pamilya madaling araw ng July 26.



Ayon sa ina ng magkapatid na si Mary Jane Mercado, nagising ang kanilang padre de pamilya at basta nalang kumuha ng itak at pinagtataga sila.
Inawat daw ni Mercado ang kaniyang mister pero tinaga rin siya. Sugatan din ang isa pa nilang anak.

“Masakit, bilang isang ina. Hindi katanggap-tanggap ang ginawa niya sa amin… ako kritikal ang kondisyon ko [sa] isang taga lang, pero sagad sa utak ng mga bata [‘yung tinamo nila],” ayon sa ginang.
Labis na ipinagtataka ni Mercado ang ginawa ng kaniyang asawa na hindi naman daw lasing at hindi rin gumagamit ng ilegal na droga.



Kinumpirma naman ng pulisya na negatibo sa iligal na droga ang salarin, na naaresto matapos na isugod niya mismo sa ospital ang sugatang misis.

Hindi pa makausap ng mga awtoridad ang salarin kaya hindi pa malaman ang dahilan kung bakit nito nagawa ang karumal-dumal na krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">