Advertisers

Advertisers

PBBM nagluklok ng acting DTI chief

0 28

Advertisers

INILUKLOK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Undersecretary Ma. Cristina Aldeguer-Roque bilang Acting Secretary ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ginawa ni PBBM ang hakbang kasunod ng pagbibitiw sa pwesto ni Secretary Alfredo Pascual.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), epektibo ang appointment ni Roque simula nitong Biyernes, Agosto 2.



Nabatid na si Roque ay naging pinuno ng Micro, Small, at Medium Enterprises (MSMEs) Development Group sa loob ng DTI kung saan nagkasa ito ng iba’t ibang programa at inisyatibo para sa mga maliliit na negosyo.

Samantala, binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng DTI at ang pangangailangan ng mahusay na pamumuno sa ahensya.



Aniya, ang DTI ay may mahalagang papel sa paglago ng ekonomiya ng bansa, lalo na sa pagsuporta sa MSMEs.

Paliwanag naman ni Pangulong Marcos, nakita niya ang dedikasyon at pamumuno ni Roque sa sektor ng MSME kaya’t naging excellent choice ito para sa nabanggit na posisyon.



Nagpahayag din ng pasasalamat ang Pangulo kay Secretary Pascual sa kanyang serbisyo at mga naging kontribusyon ng kalihim sa departamento. (Gilbert Perdez)