Advertisers

Advertisers

SANGKOT SA P3.6B SHABU, PINAPAARESTO NA NG KONGRESO

0 31

Advertisers

Ipinag-utos na ng Committee on Dangerous Drugs na arestuhin at ikulong na sa Bicutan Jail Camp Bagong Diwa ang sinasabing “mastermind” sa umano’y natimbog na multi-bilyong shabu sa Mexico, Pampanga na si Michael Yang.

Ang unanimous decision ng Kongreso ay base sa ilang ulit nang hindi sinipot ni Yang ang mga show cause order at subpoena na inihain sa kanya Komite para magbigay-linaw sa kanyang pagkakasangkot sa Empire 999 na ginamit na sa umano’y warehouse ng mga shabu.



Kaugnay nito kasama sa listahan ng mga iniimbitahan sa imbestigasyon si Rose Lin na maka-ilang ulit na ring ‘no show’ sa mga pagdinig tungkol sa iligal na drogang nasamsam ng mga otoridad. Halata diumanong guilty ang mga katulad ni Yang at Lin sa ginagawang pang-iisnab sa Kongreso.

Sinabi ni Dangerous Drugs Committee Chairman Ace Barbers na, “The continued absence and refusal to accept invitations indicate guilt in the illegal activity.” Sa mga naunang pagdinig, sinabi ng legal counsel ni Yang na si Atty Raymond Fortun na kasalukuyang nasa Dubai ang kanyang kliyente simula pa noong May 12 o matapos magsi-putukan ang mga POGO exposé kung saan nadadawit din ang mga pangalan ni Yang at ni Lin.



Matatandaang sa Dubai din nagtago ang asawa ni Lin na si Lin Weixiong noong kasagsagan ng imbestigasyon sa Pharmally matapos mapatunayan ng mga dokumento na isinumite sa senado na siya ang nagsilbing financial manager ng maanomalyang kontrata noong pandemya.

Ginagawang takbuhan umano ng ilang most wanted fugitives ang Dubai dahil sa umano’y kumplikadong proseso nito ng extradition kaya nagiging safe haven umano ito ng mga big-time na kriminal.



Kaugnay nito maliban sa Pharmally at POGO, hinihinala din sa iba pang kaliwa’t kanang imbestigasyon na magkasabwat din umano  sina Lin at Yang sa illegal activities. Sa mga pagdinig sa senado, inamin ni Rose Lin na matalik na magkaibigan ang kanyang asawa at si Yang at sila ay business partners sa mahaba nang panahon.(Boy Celario)