Advertisers
Nagpalabas ng utos ngayon araw ng lunes Agosto 12, 2024 ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas bilang deklarasyon sa pagsasailalim ng buong lalawigan sa State of Calamity dahil sa African Swine Fever o (ASF).
Sang Ayon sa naging rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk and Management Council (PDRRMC). sa ilalim ng pamamahala ni Batangas Governor Hermilando “Dodo” Mandanas, bilang siyang Chairperson, batay sa PDRRMC Resolution Number 15.
Matatandaan na meron pitong munisipalidad at isang lungsod ang apektado ng African Swine Fever o (ASF) na nagdeklara ng State of Calamity kabilang ang bayan ng Lobo, Calatagan, Lian, Rosario, Talisay, Lipa, Tui at San Juan ayon na rin sa Department of Agriculture.
Nanawagan naman ngayon ng tulong sa gobyerno at sa Pamahalaang Panglalawigan ng Batangas ang mga nagtitinda ng karneng baboy dahil sa posibleng pagkalugi ng kanilang mga negosyo.(Koi Laura)