Advertisers
IPINAHAYAG ng mga nagsipagtapos sa Philippine National Police Academy (PNPA) ang kanilang suporta kay Police Regional Office 11 (Davao Regiona) Director, Brigadier General Nicolas Torre III, matapos ang mga pag-atake rito ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte
Si Torre III ay miyembro ng PNPA ‘Tagapaglunsad’ Class of 1993.
Sa isang pahayag, kinondena ng PNPA graduates ang verbal na pag-atake ng isang “makapangyarihang pulitiko” sa Davao City laban kay Torre.
Diin ng grupo, kinokondena ng mga ito ang lahat ng porma ng pambu-bully, harassment, at pang-aabuso.
Nakatuon, aniya, ang ‘Lakan Community’ sa pagbuo ng isang ligtas at inclusive na komyunidad para mararamdaman ng bawat isa ang respeto at pagsuporta.
Hindi man nila pinangalanan ang “makapangyaring pulitiko” ngunit maaalalang dati nang binanatan ni Baste ang heneral dahil sa ilang kadahilanan: Kinabibilangan ito ng naunang reshuffling ng PNP personnel sa Davao City nang hindi ipinaalam sa alkalde at ang naunang pahayag ng heneral na minamanipula ang crime statistics sa Davao City.
Nangako ang PNPA graduates ‘Lakan Community’ ng solidong suporta kay Torre, na anila’y‘valued member’ ng naturang komunidad.