Advertisers
NASABAT ng Philippine Coast Guard sa kanilang istasyon sa Northern Samar ang 9 blokeng kumpirmadong shabu sa Allen Port, Northern Samar na nagkakahalaga ng P61 million.
Nakasilid ang kontrabando sa abandonadong maleta na natagpuan sa port facility na agad din sinuri ng kanilang K9 Unit.
Nai-turn-over na ang iligal na droga sa Allen PNP.
Nakipag-ugnayan ang PCG sa shipping management para ma-backtrack ang CCTV na nagresulta sa pagkakahuli sa nagbigbit nito pati ang gamit na sasakyan.
Bukod sa droga at sasakyan, nahulihan din ito ng matataas na kalibre na mga baril at pampasabog.
(Jocelyn Domenden)