Advertisers

Advertisers

PAGDEKLARA SA PAMPANGA BILANG “CULINARY CAPITAL OF THE PHILIPPINES”, SUPORTADO NI CONG. BUDOY MADRONA

0 19

Advertisers

TUMINDIG ang chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone District Congressman Eleandro Jesus F. Madrona sa Plenaryo ng Kamara nitong Agosto 6, 2024 para isponsoran nito para mapagtibay ng Kongreso ang House Bill No. 10634 na inakda ni dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga 2nd Dist. Cong. Gloria Macapagal-Arroyo upang ideklara ang Pampanga bilang “Culinary Capital of the Philippines”.

Kilala ang Pampanga sa kanilang mga masasarap na pagkaing Pilipino. Ang mga Kapampangan ay itinuturing din bilang pinakamahusay sa larangan ng pagluluto dahil sa kanilang taglay na talento.

Dahil dito, ipinahayag ni Madrona bilang chairperson ng Komite ang kaniyang suporta o sponsorship para sa panukalang batas na isinulong ni Macapagal-Arroyo.



Sinabi ni Madrona sa kaniyang “sponsorship speech” na: “Mr. Speaker and my dear colleagues. As Chairman of the Committee on TourismTourism it is my pleasure to sponsor today House Bill No. 10634 entitled An Act Declaring the Province of Pampanga as a Culinary Capital of the Philippines”. As embraced in Committee Report No. 1139 which has been approved by the Committee on Tourism.

Binanggit pa ng Komite na suportahan at pangasiwaan ang mga nakasalang na panukalang batas patungkol sa pagausulong, pagpapa-unlad at promotion ng Philippine tourism kabilang na dito ang mga panukala na nagde-deklara sa isang lugar bilang isang tourist destination.



Ipinaliwanag din ni Madrona na ang “culinary tourism” ay hinango mula sa konsepto ng pagkain bilang pang-akit sa mga dayuhan at lokal na turista na subukan at matikman ang “specialty” ng isang partikular na tourist destination gaya ng Pampanga na nagpasikat sa delicasy na “sisig”.

***



Suhestiyon at reaksyon tumawag sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email sa balyador69@gmail.com