Advertisers
Ni Archie Liao
NAGING malaking isyu ang naging pahayag noon ni Sen. Chiz Escudero na pinag-aaralan nilang bawasan ang maraming holidays sa Pinas.
Katunayan, para sa kanya ay counter productive ang pagkakaroon ng maraming piyesta opisyal sa bansa, lalo na kung iisipin ang mga namumuhunan.
Umani naman agad ito ng iba’t ibang batikos sa mga sektor ng mga mangggagawa at maging sa mga lider ng labor groups.
May mga hanash silang hindi raw yata naiintindihan ng mga mambabatas ang kalagayan ng balana gayong minsan ay mas mahaba pa ang bakasyon ng mga kongresista kapag nasa break sila kumpara sa common tao.
Ang iba pa nga raw ay nagagawa pang magliwaliw sa ibang bansa.
Sa isang video naman sa Instagram, sinagot ni Heart Evangelista sa kanyang pa- Q and A ang komento kaugnay sa pagbabawas ng holidays sa bansa.
Aniya, hindi raw babawasan ang holiday kundi hindi lang dadagdagan.
Sey pa niya, may mga nabiktima raw ng fake news dahil sa sobrang active sa social media.
Nilinaw naman ni Senator Chiz sa isang panayam na hindi babawasan ang holidays.
Aniya, wala raw basehan ang mga kumakalat na mga balita.
Ipinaliwanag din niya na ang konseptong kanyang binanggit ay ang tinatawag na “holiday economics,” isang polisya na ginagamit upang i-maximize ang mga long weekends.
Ang layunin ng holiday economics ay kapag natapat ang isang holiday sa pagitan ng dalawang araw ng trabaho, idedeklara bilang holiday ang isa pang araw upang magkaroon ng mas mahabang pahinga ang mga manggagawa na kanilang pinag-aaralan.
Ito naman ang ilang komento ng kibitzers sa pagtatanggol ni Heart kay Chiz.
“First lady na talaga ang galawan. To the rescue kay Chiz.”
“Siya na ba ang bagong spokeswoman ni Senator.”
“Klinaro lang naman nila ang isyu. At least, coming from the horse’s mouth.”
“Binembang kasi dahil sa isyu kaya naman to the rescue sa mister.”
“Kasama ba iyan sa trabaho niya sa SSF?”
Kamakailan lang ay nag-renew si Heart Evangelista sa GMA-7 ng kontrata bilang Kapuso.