Advertisers
SABOG ang ulo ng isang security guard nang barilin ng senior citizen habang naka-duty sa gate ng isang subdivision sa Barangay Sahud-ulan, Tanza, Cavite.
Dead on the spot ang sekyu na nakilalang si John April Paul Aquino, 28 anyos, residente ng Brgy. Balsahan Timalan, Naic, Cavite.
Tumakas naman ang 61-anyos na salarin na salarin na kinilala lang sa alyas “Gregorio”, ng Brgy Sahud-ulan ng nasabing bayan.
Sa ulat, 10:00 ng gabi kasalukuyang nagbabantay ang biktima sa entrance gate ng Brisas Subdivison nang dumating ang lalaki sakay ng motorsiklo na walang plaka.
Pagtapat ng lalaki sa biktima, agad niya itong binaril sa ulo at mabilis na tumakas.
Tinutugis na ng pulisya ang salarin.