Advertisers

Advertisers

Jeep nawalan ng preno: 1 patay, 10 sugatan

0 13

Advertisers

NASAWI ang isang pasahero ng jeepney at 10 ang sugatan nang mawalan ng preno ang sasakyan sa pababang bahagi ng kalsada sa Tanay, Rizal noong Biyernes, Agosto 23.

Kinilala ang nasawi na si Antonio Libutan, 44 anyos.

Iniulat ng Police Region 4A nitong Sabado na ang jeep na minamaneho ni Feliciano Eugenio ay binabagtas ang pababang kalsada ng Barangay Sampaloc 12:45 ng hapon nang mangyari ang aksidente.



May sakay na 30 empleyado ng Department of Social Welfare and Development ang naturang jeep.

Bumangga ang sasakyan sa gutter at dumiretso sa damuhan bago tuluyang napahinto ng 20 metro mula sa kalsada.



Nagtamo ng mga pinsala sa katawan ang drayber at 10 pasahero na agad dinala sa Tanay General Hospital at Rizal Provincial Hospital System sa Morong.

Namatay naman habang dinadala sa ospital ang isa sa mga pasahero.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">