Advertisers
KRITIKAL sa pagamutan ang isang barangay councilor nang barilin sa ulo habang nakaupo sa tapat ng Barangay hall sa Brgy. Amaya 3, Tanza, Cavite noong August 22, 2024.
Kinilala ang biktima na si alyas Emilio, 54 anyos, kagawad at residente ng Brgy. Amaya 3.
Nakilala ang salarin na si alyas “Andy”, nasa hustong gulang, residente rin ng barangay.
Kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya ang salarin.
Sa ulat, 11:00 ng gabi nang maganap ang insidente, nakaupo ang biktima sa tapat ng kanilang brgy. hall nang dumating si Andy sakay ng tricycle at kaagad binaril ng malapitan sa ulo ang biktima, na ngayo’y nakikipag-agaw buhay sa ospital.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, lumalabas na nakaalitan ng sa-larin ang pamangkin ng biktima.