Advertisers

Advertisers

Mag-aamang nasapol-patay ng kidlat sa laot

0 6

Advertisers

NASAWI ang mag-aama nang masapol ng kidlat habang nangingisda sa laot sa Rosario, Cavite.

Kinilala ang mga biktima na sina Francisco Despi Sr, 62 anyos; at mga anak na sina Franed, 30; at Francisco Jr., 28; pawang residente ng Brgy. Muzon 2, Rosario.

Sa ulat ng Municipal Disaster Reduction Risk and Management Office (MDRRMO), 4:00 ng hapon nang pumalaot ang mag-aama upang mangisda na inabot ng madaling araw.
Inabot ng malakas na buhos ng ulan sa laot ang mag-aama, at isang malakas na kidlat ang tumama sa mga ito habang sakay ng bangka.



Natagpuan ng mga kapwa mangingisda ang mga katawan ng mga biktima na palutang-lu-tang sa dagat habang nakataob na ang kanilang bangka.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">