Advertisers
Iba’t-ibang components sa paggawa ng improvised explosive device (IED) ang narekober ng militar, kasabay ng isinagawang security operations sa bayan ng Sultan Kudarat.
Sa ipinalabas na ulat ng 37th Infantry “Conqueror” Battalion ng Philippine Army, ang nasabing mga IED components ay narekober sa dating pinagkukutaan ng grupo ng 13th BIWANG Brigade, ng BIAF-MILF, sa Barangay Lumitan.
Kabilang sa mga narekober mga blasting caps, isang RPG charge, isang rifle grenade at 29 na ammunition fuses.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang ginagawang pagbabantay ng militar para matiyak ang seguridad sa nasabing lugar.