Advertisers
Ipinagdiwang ng Veteran Political at Election Lawyer na si Atty. Manuelito ‘Manny’ Luna ang kanyang ika-54 kaarawan noong Agosto 19, 2024 sa pamamagitan ng paglilingkod sa Poong Maykapal at sa Sambayanang Pilipino.
“Isang makabuluhang panahon ang kaarawan ng isang tao. Ito ang sandali ng pagsasaya at paggunita. Sadyang espesyal na araw ito sa lahat ng mga Pilipino.”
Habang ipinagdiriwang ng beterano at tanyag ng political lawyer na si Atty. Manuelito Delos Reyes Luna ang kanyang ika-54 na taon ng pagsilang, isinaalang-alang nito ang kanyang buhay sa paglilingkod sa Diyos at Sambayanang Pilipino o halos tatlong dekada na ng paglilingkod sa Sambayanang Pilipino.
Naging daan ang ginagawang ‘veteran move’ ni Atty. Manuelito Delos Ryes Luna para maitalaga ito bilang Presidential Assistant II at Commissioner of the defunct Presidential Anti-Corruption Commission.
Noong 2022, nagretiro ito sa Office of the President at tinanggap nitong lahat ang mga benepisyong nararapat para sa kanya alinsunod sa batas. Natapos ni Atty. Luna ang kanyang kurso sa abogasyon noong 1996 at pumasa sa Bar Examinations noong din 1996 sa unang beses nitong pagsubok sa eksaminasyon at nakakuha ng General Weighted Average na 85.2000%.
Isa rin si Atty. Luna na napagkalooban ng U.S. Department of State noong 2001 at dumalo sa mga conferences, bumisita at seminars sa Washington, D.C., Virginia, Texas, Missouri at Louisiana.
Noong 2024, pinarangalan din si Atty. Luna bilang “One of the Greatest Men and Women of the Universidad de Zamboanga sa 75 Years (1948-2024)” at itinampok sa Coffee Table Book na “Legacia: The 75 Greatest Men and Women of UZ”.
Sa mga politikal at legal na pananaw ni Atty. Luna, hinahangad ng iba’t-ibang sektor, kabilang ang mamamahayag na dumalo ito at magsalita sa mga forum na may kaugnayan sa batas, halalan at politika.
Nag-host din si Atty. Luna ng mga popular na programa tulad ng “Batas, Transportasyon at Serbisyo Abogado ng Masa”, at Vantage Point Media airing at Digital Television, Facebook at Youtube. At guest co-host din si Luna sa programang “Good morning kuyangs” na naging viral ng dalawang beses na umabot ang views nito sa 465,000.
Isa rin si Atty. Luna na Editorial Columnist sa pahayagang “BAGWIS”, isang tabloid newspaper. At sa kasalukuyan isa siyang political at election consultancy, public relations work, broadcasting, column writing at advocacy work.
Bukod dito, nagsilbi rin si dating Commissioner Luna bilang Managing Editor ng IBP Law Journal mula 1999-2001, at isa rin ito sa mga tagapayo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) noong nanunungkulan si Secretary Dante Lazaro Jimenez bilang VACC Chairman.
Nagsilbi rin si Atty. Luna bilang Presidential Adviser for Special Concerns of the Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles, Inc. at Vice Chancellor ng Supreme Tribunal.
Sa kasalukuyan si Atty. Manuelito Luna ang Presidential Adviser ng Barangay Councilors League of the Philippines na pinamumunuan ni National President Tito Espiritusanto at confidential consultant din ito ng mga high-ranking elective at appointive public officials at pinagkakatiwalaan din si Luna bilang TESDA Consultant.
Ayon kay Atty. Manuelito Luna, bagama’t marami ang nagdiriwang ng kanilang kaarawan, may ilan naman na mas gustong gunitain ang mga ito.
“I would rather thank God almighty for the gift of life and the bountiful blessings received than celebrate my birthday. Spending the day with my family would be enough.”
Nagsikap si Atty. Luna upang maabot nito ang tuktok ng legal profession at serbisyo publiko sa kabila ng pagiging tubong Basilan nito. Naging tanyag ang kanyang mga kontribusyon sa pagpapayaman ng batas ng Pilipinas, na nakarating sa ilang dami ng Supreme Court Reports Annotated (SCRA).
Sa katunayan ginawa pang drama sa sikat na teleseryeng “Ipaglaban mo” ang isa sa mga high-profile na kasong hinahawakan ni Atty. Manuelito Luna.