Advertisers
Nasawi ang isang dating barangay kagawad nang pagtulong-tulungang barilin ng kaniyang tatlong ka-barangay sa Bulsa, San Juan, Batangas noong Linggo.
Dead on arrival sa San Juan District Hospital ang biktimang si Rodel Lopez Luistro, 46-anyos, empleyado sa isang resort in housing project.
Ayon sa report, 7:00 ng gabi nang puntahan ng mga salarin ang biktima sa kaniyang lugar at bigla na lamang paulanan ng bala.
Agad din tumakas ang mga salarin na kinilala lamang sa mga pangalang Jayson, alias Mariel at isang hindi kilalang kasama na panay residente rin ng barangay.
Patuloy ang follow-up operation ng mga awtoridad sa krimen at tinutugis ang mga salarin na lahat at nahaharap sa kasong murder.