Advertisers

Advertisers

PAF sinasanay narin eroplanong panggiyera sa WPS

0 11

Advertisers

NAGPATROLYA ang fighter jet ng Philippine Air Force (PAF) sa may hilagang bahagi ng West Philippine Sea noong Biyernes, Agosto 23.

Ito ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines chief General Romeo Brawner, Jr. nitong Lunes.

Ayon sa AFP chief, kasama siya sa sakay ng FA50 nang isagawa ang patrolya kungsaan sina-nay din ng fighter jet ang flares capabilities nito at napatunayang na gumagana ito.



Subalit nilinaw ng AFP chief na kahit may ganitong kapasidad ang PAF, hindi ginagawa sa iba ang gaya ng naging aksiyon ng China dahil tumatalima ang Pilipinas sa international law.

Ang naturang hakbang ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ay kasunod ng mapanganib na paggamit ng China ng flares laban sa BFAR Cessna aircraft habang nagsasagawa ng air patrols sa may Bajo de Masinloc at Zamora reef.



Nanindigan ang AFP chief na patuloy ang pagpapatrolya ng Pilipinas sa WPS dahil nasa tamang posisyon ito at may lehitimong karapatan ang ating bansa sa nasabing karagatan salig sa international law.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">