Advertisers

Advertisers

KWENTO NI KATE

0 23

Advertisers

GRADUATE ng Bachelor of Science in Secondary Education Major in English sa University of the Philippines sa Diliman itong si Kate Raca. Pero halos di niya napakinabangan ang kanyang pinag-aralan.

Ang dahilan, naloko siya ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Paano?

Sinagot ni Raca ang lahat noong siya ay dumalaw sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Senator Ronald dela Rosa.



Inilahad nito ang sistema kung paano nakakapangloko ng mga mag-aaral ang ang mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Ang siste pala ng mga damuho, gamit ng mga ito ang mga guro at mag-aaral na nauna na nilang naloko.



Kwento ni Raca, 16 year old siya bilang freshman noon nang hikayatin siyang maging militante ng kanyang mga naging guro at kamag-aral.
Matapos maka-graduate noong 2019,naisama na siyang mamundok sa Mindoro upang isali sa Lucio de Guzman Command ng NPA.

Lusaw at basag na ang NPA unit na ito at mangilan-ngilan na lamang ang natitira, sa panahon ngayon, patago- tago pa rin ang natitirang mga miyembro nito, sa nga kabundukan.



Ayon kay Raca, nakaligtas siya at napasuko noon ding taon ng 2019 matapos ang matinding bakbakan sa pagitan ng NPA unit at mga sundalong Marine sa Palawan. Isa sa kanyang comrade, na si Rona Jane Manalo, na galing naman sa UP Los Banos ang napatay sa sagupaang iyon.

Ang kanyang recruiter at trainer na si Kevin Castro, na miyembro ng College of Education Student Council ay napatay din sa enkwentro naman noong 2018 sa Quezon.

Ang mga ganitong kwento, ay di lamang nangyari kay Kate Raca, marami na ang mga nauna sa kanya. Ang iba pa nga, ay napatay din.

So paano matitigil, ang ganitong kalokohan. Mangloloko ng mga estudyante, para gawin lamang mandirigma at makipag-laban sa pamahalaan.

Ang tanging kasagutan ay nasa atin na rin. Huwag natin tangkilikin, ang mga panghihikayat ng CPP-NPA-NDF. Isa silang salot sa ating lipunan.