Advertisers

Advertisers

Direk Joel tikom sa parunggit na minolestya si Ahron

0 18

Advertisers

Ni Rommel Placente

SA pamamagitan ng kanyang Facebook account, pinatamaan ni Ahron Villena ang isang direktor na umano’y nangharas sa kanya noong nagsisimula pa lamang sa showbiz.

Sa shooting daw ng isang pelikula naganap ang harrassment.



Ginawa ni Ahron ang rebelasyon matapos lumabas ang balita tungkol sa naging pahayag ng premyadong direktor na si Joel Lamangan tungkol sa isyu ng pang-aabuso sa mundo ng entertainment industry.

Walang binanggit na pangalan si Ahron sa kanyang FB post, pero mabilis na nagkomento ang mga netizens na mukhang may konek nga raw ang naging pahayag ng aktor sa isang interview ni Direk Joel.



Ayon kay Ahron, “May nakita akong post nagsalita pala etong direktor na eto na matagal na raw nangyayari yng mga ganung senario? Parang proud na proud ka pa.

“Eh kung sabihin ko kaya na isa ako dun sa artistang naexploit at ikaw un!



“Tandang-tanda ko yung kelangan ako magplaster sa eksena cameo role lang ako may tumutulong na sa kin sa production pero pumasok ka sa CR pero pinaalis mo siya.

“Ang sabi mo pa ‘dapat hindi ka nagpapalagay sa kanila ako na dapat maglalagay nyan,’” sabi pa ni Ahron patungkol sa tinutukoy niyang direktor.

“Wala namang problema sakin pero ilang beses mong tinatamaan at dinidikit ung kamay mo.”

“Irerespeto kita bilang tao at direktor kasi magaling ka, pero dahil baguhan pa lang ako noon, OO lang ako nang OO kasi kelangan ko din kumita ng pera.

“Malamang hindi mo na maalala kasi sigurado akong hindi lang ako ang ginawan mo ng ganu’n. Nu’ng ininterview ako sa Fast Talk noon hindi kita pinangalanan kasi may respeto pa rin ako sayo. Kahit mga staff nagtatanong sa kin hindi ako nagsalita.

“Kaya sana tahimik kana lang din. Kahit noon or ngayon never naman magiging tama ung gawaing ganun.

“Kung totoo man or hindi, hindi mo dapat itolerate ung mga ganu’ng bagay!” rebelasyon pa ni Ahron.