Advertisers

Advertisers

Rash inaral maging macho dancer para sa pelikula

0 29

Advertisers

Ni Rommel Gonzales

BILANG Vivamax actor ay nakagawa na ng mga daring na pelikula si Rash Flores.

Ano ang reaksyon ng pamilya niya nang nalaman na nasa Vivamax siya?



“Yung mom ko, sabi niya, ‘Ipagpatuloy mo yung pangarap mo anak, pero magtapos ka ng pag-aaral, yun ang importante. Wala man akong maibigay na magandang buhay sa iyo, yung payo ko na lang, yung karanasan ko na lang ang magiging aral ninyo, kayong magkakapatid, na huwag ninyo akong tularan, na ayusin ninyo yung buhay niyo, doon pa lang magiging masaya na ako’.”

Nag-aaral ba si Rash?



“Actually, nag-aaral naman po ako, pero na-stop ako.

“HRM, sa Pampanga po, Holy Cross.”



Bakit HRM?

“Mahilig din po kasi ako sa pagkain e.

“Actually, graduating na po dapat ako e. So, na-stop po ako ng one year, pero soon, tatapusin ko pag hindi na masyadong busy dito sa industry.”

Gaganap si Rash sa pelikulang Wild Boys for the first time bilang isang macho dancer.

Nang nalaman niya na gaganap siyang macho dancer, ano ang una niyang naging reaksyon?

“Ah, ako? Masaya ako, masaya ako,” bulalas ni Rash. “Kasi panibagong character na naman kasi ito, e. Kasi sa dami ko nang ginawa na sexy, di ba, sexy movies sa Viva? “So, parang hindi pa ako nagka-role ng ganito. More on villain lang ako. Mga drug lord, ganun. So, gusto kong panibagong character naman na ma-portray ko dito.

“So kaya naging masaya akong nalaman ko yung role.”

Hindi siya nagdalawang-isip nang nalaman niyang macho dancer siya?

“Hindi, kasi matagal ko na din pinaghandaan ‘to e, kasi matagal na din sinabi sa akin.”

Nagpraktis siya na magsayaw.

“Ah, yes. Nakakausap ko naman si direk. Nag-uusap kami, sabi niya, ‘Practice ka ng magsayaw’, kasi hindi talaga ako sumasayaw.

“So, dahil gustung-gusto ko ‘tong pelikula na ‘to, so nagsumikap ako na kahit papaano. Nag-practice ako, nag-Tiktok ako kahit papaano.”

Sino ang nagturo kay Rash sumayaw?

“Ako lang.”

Saan siya nanood ng mga macho dancers?

“Hindi, I mean… yung sayaw na basic lang sa Tiktok. Nanood ako sa mga Tiktok so hindi ako nahirapan na kahit papaano, may experience ako sa sayaw.”

Pero hindi pa siya nakanood ng totoong macho dancer?

“Ah, yung totoo talaga, yung live? Nakakita na ako.”

Kaya may idea na siya kung ano ang sayaw ng macho dancer.

“Yes, yes.”

Tingin niya, kaya niya yun?

“Ah, kaya ko, kaya ko.”

Tapos siyempre napaka-daring ng suot o costume ng isang macho dancer; hanggang saan ang kaya ni Rash?

“Actually, laban naman ako, laban naman ako.”

Mula sa Bright Idea Production, ang direktor ng Wild Boys ay ang actor na si Carlos Morales.

Kasama niya rito sina Aljur Abrenica at Vin Abrenica, ang male star na si Kristof Garcia, ang baguhang si Pedro Red at ang komedyanteng si Inday Garutay.

Latest project ni Rash para sa Vivamax ang Init, bago ito ay nasa Bedspacer din siya ng Vivamax kasama sina Christine Bermas, Micaella Raz at Mathew Francisco.