BI nagsampa ng kaso laban sa mga undocumented alien na naharang sa Tawi-Tawi
Advertisers
Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Mindanao ang 15 undocumented foreign nationals na nasabat sa Tawi-tawi noong Setyembre 1.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na kabilang sa naaresto ang 8 Chinese at 7 Malaysian nationals na napag-alamang pumasok sa teritoryo ng Pilipinas sakay ng dalawang speedboats.
Naharang ang nasabing mga dayuhan ng pinagsanib na puwersa ng Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Navy (PN) at Philippine Army (PA) sa isinagawang maritime patrol sa nasabing lugar.
“Early morning today, we received information from the patrolling agencies that those arrested have been transported to Bongao for processing,” ani Tansingco.
Sa inisyal na beripikasyon sa pamamagitan ng BI centralized database, ang mga naharang na indibidwal ay iligal na pumasok sa bansa dahil walang nakitang tala ng kanilang pagpasok.
Sinabi ni Tansingco na inihahanda na ang kasong deportasyon na isasampa laban sa 15 dayuhan na pinaniniwalaang nagtangkang pumasok sa bansa para magtrabaho nang iligal.
Idinagdag pa nito na ang pag-aresto ay resulta ng aktibong pagpapatrulya ng maritime agencies na nangangalaga sa mga hangganan ng bansa.
Mahigpit din na nakikipagtulungan ang BI sa mga naturang mga ahensyang upang isulong ang ligal na aksyon laban sa mga iligal entrants.
Agad na ipatatapon palabas ng bansa ang 15 dayuhan at ilalagay sa blacklist upang hindi na makabalik sa bansa. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)