Advertisers
MULING hinamon ni Davao Region Police chief Brigadier General Nicolas Torre si Pastor Apollo Quiboloy na sumuko nalang at harapin sa korte ang kanyang mga kaso.
Ayon kay Torre, dapat sumuko nalang si Quiboloy dahil ang anak ng Diyos hindi nagtago at nagpapako sa krus.
Ginawa ang pahayag ni Torre sa pulong balitaan nitong Martes sa PRO 11 headquarters sa Davao City, sa gitna ng patuloy na paghahanap ng pulisya kay Quiboloy sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound para ipatupad ang arrest warrant laban sa pastor para sa kasong child at sexual abuse.
Binigyang diin ni Torre na walang karapatan si Quiboloy na magtakda ng mga kondisyon sa kanyang pagsuko at dapat sumunod nalang sa batas katulad ng mga ordinaryong mamayan na nahaharap sa kaso.
Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Torre na mahuhuli din nila si Quiboloy kasabay ng pagsabi na hindi titigil ang PNP hangga’t hindi naisisilbi ang warrant of arrest laban sa lider ng KOJC.