Advertisers

Advertisers

PDL sa QC Jail nakinabang sa mobile kitchen at mobile hospital ni Chavit

0 13

Advertisers

NAKINABANG ang daan daang Person Deprived of Liberty (PDL) sa mobile kitchen at mobile hospital na ipinagkaloob ni League of Municipalities of the Philippine (LMP) President Emeritus Luis Chavit Singson sa Quezon City Jail na mainit naman tinanggap ng mga PDL nitong Sabado (Setyembre 14).

 

Nabatid sa ulat na bumisita si Singson kasama ang kanyang anak na si Congresswoman Richelle Singson ng Ako Ilocano Partylist sa mga inmate ng Quezon City Jail sa Payatas at nagkaloob na mainit na pagkain sa pamamagitan ng mobile kitchen at pangangalagang medical sa pamamagitan ng isang mobile na ospital.



 

Kaugnay nito ilang Persons Deprived of Liberty (PDLs) at ang kanilang mga mahal sa buhay na bumisita sa kanila ang nasiyahan sa pagkain nang magkasama dahil pinapayagan din silang makibahagi sa ‘hot arrozcaldo’ na iniaalok ng mobile kitchen ng mga Singson.

 

Ang iba pang mga PDL sa kabilang banda ay pinili din na mag-avail ng libreng medical check-up at konsultasyon mula sa mga doktor at health worker, hiniling ng mga Singson na makasama sila sa kanilang medical mission at outreach program.

 



Samantala ang jail facility ay kasalukuyang mayroong 4,200 PDL bilang mga inmate mula sa paggawa ng iba’t ibang krimen. Ngunit ang 2.3 ektarya na lugar ayon sa Bureau of Jail Management and Penology ay kayang mag-accommodate ng hanggang 12,000 inmate.

 

Sa pagtatapos ng programa, sinabi ng nakatatandang Singson na ang outreach program ay isinagawa mula sa kahilingan ng mga opisyal ng BJMP at malugod niyang tinanggap, dahil naisagawa na nila ng kanyang anak na babae ang ilang mga medical mission at outreach program sa iba’t ibang lugar sa bansa na mas mababa ang target.

 

Si Singson na nag-anunsyo na muli niyang susubukan na tumakbo sa karera ng Senado bilang isang independiyenteng kandidato kung hindi siya isasama ng Malacañang sa kanilang senatorial slate, nangakong gagawa ng higit pa para sa mga PDL sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kanila at sa kanilang mga miyembro ng pamilya sa pamamagitan ng pagpapatrabaho sa kanila sa kanyang business partners hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong Asia gaya ng, Japan, Taiwan at Korea.(Boy Celario)