Advertisers

Advertisers

9 prayoridad na panukalang batas handa na sa pagpirma kay PBBM

0 21

Advertisers

INANUNSYO ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na siyam sa priority measures ng administrasyon, kabilang ang value-added tax (VAT) sa mga digital transactions ay nakahanda na para sa pagpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.,

Sinabi ni Escudero na inaprubahan ng Senado ang kabuuang 106 na panukalang batas sa ikatlong pagbasa mula nang mahalal siya bilang Senate President noong Mayo 20, 2024, kung saan 26 sa mga ito ay naisabatas na.

Ang Senado ay kumilos din sa 12 key measures ng administrasyon.



Siyam sa mga priority measures ay nakahanda na ngayon para sa paglagda ni Marcos, kabilang ang VAT sa mga digital transactions, ang Corporate Recovery at Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE), at ang mga pag-amiyenda sa Rice Tariffication Law.

Kasama rin ang Academic Recovery and Accessible Learning Program (ARAL) Act, ang Magna Carta of Filipino Seafarers, ang Anti-Agricultural Smuggling Economic Sabotage Act, ang Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act, ang Philippine Maritime Zones Act, at Enterprise-Based Education and Training Framework Act.



Tatlo sa mga panukala ay naghihintay pa ng aksyon sa bicameral conference committee level kung saan ang isa ay para sa pag-apruba ng House of Representatives.

“We acted with urgency on the priority measures of the President, which were also part of the common legislative agenda of both chambers of Congress,” wika ni Escudero.



“Again, this is more about the quality of laws rather than quantity. These are high impact laws that Malacañang and Congress agreed upon to prioritize,” saad pa ni Pangulo ng Senado.

Binanggit din ni Escudero na nakatakdang ipasa ng Senado ang tatlo hanggang apat pang priority measures ng admi-nistrasyon bago tumutok sa panukalang P6.532-trillion national budget para sa 2025. (Mylene Alfonso)