Advertisers
Ni Jovi Lloza
NABINYAGAN na nga ang panganay na anak nina Maja Salvador at Rambo Nuñez nito lang Sabado, September 14.
Makikita sa larawan ang ibinahagi ng mag- asawang Maja at Rambo sa naganap na binyagan ni Maria Nuñez.
Nasa larawan sina Kathryn Bernardo, Piolo Pascual, Darren Espanto, Kakai Bautista at Maine Mendoza.
Ninang at ninong duties nga ang bumulaga sa binyagan ni Maria na very close sa mag asawa na taga showbiz at nandun din ang mga kamag anakan nina Maja at Rambo at malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz.
Pero ang netizens tila may napansin na mukhang wala ang Tito Vic at Joey or TVJ na tinuring na ama amahan ni Maja.
Mukha nga raw di na inform or alam o baka late na dumating.
Pero kutob ng netizens na wala talaga ang TVJ kaya naisip na lang na baka nakalimutan or sadyang initsapuwera.
***
NUNG buwan ng Hulyo ay ipinagdiwang nina Rhian Ramos at SV or Sam Versoza ang kanilang 3rd Anniversary ng kanilang pagiging couple.
Inamin ng dalawa na marami silang natutunan sa isa’t isa at although di naman perfect.
At walang perpektong relasyon at nagkakatampuhan pa rin sila pero bandang huli ay pinipili pa rin nila ang isa’t isa.
Di ba sila nagmamadali na mag-settle o pakasal?
Mahaba pa raw ang life at both ay ini enjoy pa ang kanilang pagiging magdyowa.
Basta ang couple ay masaya at sinusulit ang time na magkasama sila sa kabila na busy ang bawat isa sa kani kanilang karera at may time pa sila to bond.
Well, well, well…’Yun na!