Advertisers
Ni Jimi Escala
SUPER busy ang aktor at mambabatas na si Arjo Atayde sa kaliwa’t kanang appointments not only as an aktor kungdi para rin sa kanyang obligasyon bilang congressman .
Kaya lumutang ang isyung mag concentrate na lang daw muna ito sa showbiz at hayaan na lang muna ang inang aktres na si Sylvia Sanchez ang tumakbong congressman sa darating na mid term elections.
Pero nilinaw ni Arjo ang naturang isyu.
“No it is not true. I’m still running for my second term as congressman,” paglilinaw nj Cong. Arjo.
Dagdag pa rin nj Arjo na tatapusin lang daw naman niya mga nasimulang proyekto then after ilang araw lang ay magko-concentrate na siya para sa mga constituents niya.
“Tuluy-tuloy na naman tayo sa trabaho ko as congressman. No problem naman,” dagdag pa ni Arjo.
Sa sobrang bisi niya, musta naman ang obligasyon niya sa asawang si Maine Mendoza?
“Of course during our free time, we travel a lot at nakikita ng tao, cause those were the only times na super enjoy kami kasi dito sa Maynila, marami rin siyang responsibilities to attain to.
“Time management lang po and she is always my priority,” lahad pa ni Arjo.
***
BININYAGAN na ang anak nina Maja Salvador at Rambo Nuñez na si Maria Nuñez nung Sabado, September 14.
Sa mga post at pictures na kuha sa nasabing binyagan na naka-post sa social media, mga naging bisita, ninong at ninang ng anak nila Maja at Rambo sa binyag ni Maria ang kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan in and out of showbiz.
Ang Ilan sa mga dumalo sa nasabing affair ay sina Piolo Pascual, Kathryn Bernardo, Maine Mendoza, Darren Espanto, Kakai Bautista, at marami pang iba.
Larawan ng masayang mga magulang ni Maria sina Maja at Rambo, huh!
***
AT this juncture gusto naming pasalamatan ang lahat ng nakaalalang bumati sa aming kaarawan last Sunday, Sept 16.
Wala kaming party pero pinasaya kami ng mga taong mahal namin, huh!
At 65 I’ve got a lot to learn Turning a year older but not a peso richer. Hehehe!
But still so many to thank for. Above all, thank you dear Lord for everything.. maraming salamat sa lahat ng nakasama ko sa journey na Ito.. sa mga kaibigan ko in and out of showbiz. Sa mga nakasama ko sa barangayan at sa mga constituents ko including yung mga nasa pulitika.
Sa mga kaibigan kong kapwa ko church servers. Alam nyo naman kung sinu-sino kayo but most especially to my immediate family, my bedridden mother, my brothers and sisters, my pamangkin, my apos and siyempre sa nag iisang anak ko at sa daughter in law ko and to my greatest love, my baby Miles.. you are my adrenaline. Maraming salamat po.