Advertisers

Advertisers

Sen. Cynthia Villar, naghain ng COC sa pagka-kongresista sa Comelec San Juan!

0 11

Advertisers

PORMAL ng naghain ng COC si Senator Cynthia Villar bilang kinatawan ng Lone District ng Las Pinas sa Comelec NCR office sa San Juan ngayong Umaga.

Si Sen Cynthia ay sinamahan ng kanyang pamilya naa sina dating Senator Manny Villar, Sen. Mark Villar at Congresswoman Camille Villar.

Mainit din ang naging pagsalubong sa pamilya Villar ng kanilang mga taga suporta.



Sa panayam sa Senadora matapos ang paghahain ng COC, sinabi nito na Isa sa pangunahin n’yang tututukan ang Environmental Protection, kilala si Villar bilang tapagtaguyod ng programang pangkapaligiran.
Ang advantage umano n’ya sa kanyang pagkandidato bilang kongresista ay ang kanyang Performance.

Samantala, sa isyu ng political Dynasty . Sinabi ng Senadora na hindi sila political dynasty, nagkataon lang umano na ang kanilang pamilya ay pinagkakatiwalaan ng bayan dahil sa kanilang maayos na paglilingkod.

Si Sen. Cynthia ay nasa huling termino ng kanyang panunungkulan kaya ninais nito na tumakbo bilang kinatawan ng Las Pinas na dating kinakatawan ng kanyang anak na si Camille Villar.

Habang si Congresswoman Camille Villar ay naghain na rin ng kanyang COC sa pagka Senador noon pang nakaraang linggo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">