Advertisers

Advertisers

18-anyos lumaklak ng 5 abortion pills at nagpasak ng 5 pa sa ari

0 20

Advertisers

HINDI na hinintay ng 18-anyos na babae na maisilang sa kanyang kabuwanan ang sanggol na dinadala nang ilaglag nito sa pamamagitan ng pag-inom ng limang abortion pill at pagpasak ng lima pa sa kanyang ari sa Tondo, Maynila noong Sabado.

Nakaratay sa Tondo Medical Center ang suspek na si ‘Jane,’ stay-in helper sa Yuseco Extension, Raxabago St., Tondo, Maynila dahil sa pagdurugo ng ari at pananakit ng tiyan .

Sa imbestigasyon ng Manila Police Distric -homicide section, isinugod si Jane sa ospital 10:00 ng gabi nang dumanas ng pagduduwal, pagdurugo ng ari at pananakit ng tiyan nang uminom ng limang tableta ng pampalaglag at pasakan ng lima pa ang kanyang ari.



Ayon sa kapwa niya helper na si Michelle, nililinis niya ang nagkalat na dugo ng suspek sa kanilang silid nang mapansin niya ang isang plastic na may laman na patay na sanggol na may kasama pang inunan 2:00 ng madaling araw at 4:00 ng madaling araw nang dalhin ito sa ospital, kasama ang patay na sanggol

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong intentional abortion.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">