Advertisers
AABOT sa mahigit P60 billion ang flood control projects sa Bicol region sa loob ng dalawang taon.
Sinabi ito ni Senador Joel Villanueva sa gitna ng matinding pagbaha dahil sa Bagyong Kristine, sabay giit na hindi totoong P9 billion lamang ang flood control projects sa Bicol region.
Ayon kay Villanueva, sa 2023 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay may P9.4 billion para sa flood control at ngayong 2024 ay P31.8 billion kung saan sa kabuuang P61.2 billion para sa Bicol region.
Kinukwestyon ng mambabatas kung saan napunta ang napakalaking pondong ito kumpara sa nakitang naranasang matinding pagbaha sa Bicol region nitong mga nakalipas na araw.
Sinabi ni Villanueva na sa pangkalahatan ay gumagastos ang gobyerno ng P1.44 billion kada araw para sa flood control.