Advertisers

Advertisers

P46.5m kush nasamsam sa Marilao at Balagtas, Bulacan

0 35

Advertisers

Aabot sa P46.5 mil­yong halaga ng kush ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa magkasabay na buy-bust operation sa  Marilao at Balagtas, Bulacan nitong Sabado.

Ayon kay PNP-DEG Director PBGen. Eleazar P Matta, ala-1:10 ng tanghali nang isagawa ng Special Operation 3 (Central Luzon)  Intelligence and Foreign Liaison Division – PNP DEG, PDEA SES at Marilao Municipal Police Station ang anti-illegal drugs operation sa Brgy. Patubig, Marilao Bulacan na nagresulta sa pagkakaaresto sa 43-anyos na drug suspect.



Nakuha dito ang nasa 38 piraso ng  heat-sealed transparent plastic packs na naglalaman ng pinatuyong dahon ng high-grade marijuana.

May timbang  na 19 kilos at nagkakahalaga ng  P28,500,000.00.



Sa Blk 2 lot 10  Northville 6, Brgy. Santol, Balagtas, Bulacan nasamsam ng  mga awtoridad ang 12 kilos ng  kush na may halagang P18,000,000.00 mula sa isang 40-anyos na drug suspect.

Sinabi ni Matta na ang pagkakasabat ng mga illegal drugs ay bunsod ng kanilang pinaigting na kampanya at surveillance.(Mark Obleada)