Advertisers
Aabot sa P46.5 milyong halaga ng kush ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa magkasabay na buy-bust operation sa Marilao at Balagtas, Bulacan nitong Sabado.
Ayon kay PNP-DEG Director PBGen. Eleazar P Matta, ala-1:10 ng tanghali nang isagawa ng Special Operation 3 (Central Luzon) Intelligence and Foreign Liaison Division – PNP DEG, PDEA SES at Marilao Municipal Police Station ang anti-illegal drugs operation sa Brgy. Patubig, Marilao Bulacan na nagresulta sa pagkakaaresto sa 43-anyos na drug suspect.
Nakuha dito ang nasa 38 piraso ng heat-sealed transparent plastic packs na naglalaman ng pinatuyong dahon ng high-grade marijuana.
May timbang na 19 kilos at nagkakahalaga ng P28,500,000.00.
Sa Blk 2 lot 10 Northville 6, Brgy. Santol, Balagtas, Bulacan nasamsam ng mga awtoridad ang 12 kilos ng kush na may halagang P18,000,000.00 mula sa isang 40-anyos na drug suspect.
Sinabi ni Matta na ang pagkakasabat ng mga illegal drugs ay bunsod ng kanilang pinaigting na kampanya at surveillance.(Mark Obleada)