Advertisers

Advertisers

Sundalong maghahatid ng relief goods sa nasalanta ni ‘Kristine’, inatake ng NPA: 1 sugatan

0 12

Advertisers

INATAKE ng New People’s Army (NPA) ang mga sundalong maghahatid sana ng tulong sa mga biktima ng bagyong Kristine sa Pio Duran, Albay.

Ayon kay Philippine Army 9th Infantry Division (9ID) Spokesperson, Major Frank Roldan, nasa 10 NPA ang umatake sa mga sundalo ng 49th Infantry Battalion sa Barangay Matanglad.

Tumagal ang sagupaan ng 15 minuto. Nasugatan ang isang sundalo sa kaliwang hita nang tamaan ng anti-personnel mines.



Sinabi ni Roldan na target ng mga rebelde na kunin ang dalang relief goods ng mga sundalo na para sa mga residente.(Mark Obleada)