Advertisers

Advertisers

Sylvia nais makita ang nag-abandonang ama; Kim deserving manalo sa buwis-buhay na prod sa Magpasikat

0 15

Advertisers

By ROMMEL PLACENTE

SA guesting ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez sa Fast Talk With Boy Abunda, sinabi niya kay Kuya Boy, na gusto niyang makita ulit ang ama niya na nang-iwan sa kanila, buhay man ito o patay na.

Si Ibyang na ang tumayong breadwinner sa kanyang pamilya sa murang edad mula nga nang inabandona sila ng kanilang ama.



Pagbabalik-tanaw ni Ibyang, nangibang-bansa ang kanyang ama. Nu’ng mga unang taon ay umuuwi-uwi pa raw ito sa kanila, pero simula noong mag-grade six siyaay hindi na ito nagpakita sa kanila.

“’Di ba alam naman natin na inabandona kami ng tatay ko, nagkaroon ako noon ng, ‘Papa, one day, one day, one day, sisikat ako.’ And sabi ko sa kanya, ‘Hahangaan mo ‘ko, papalakpakan mo ‘ko, Papa,’” sabi ni Ibyang .

Sa pagkakaalam nila ay nasa Brazil ang ama, pero hindi nila alam ang eksaktong address na kinaroroonan nito.

Ayon pa kay Ibyang, tandang-tanda pa niya na noong 1992 nang magwagi siyang Best Supporting Actress sa Metro Manila Film Festival, ay napatawad na niya ang ama sa pag-abandona sa kanila.

“’Yung pagtanggap ko ng award, ewan ko, hindi ko alam, basta bigla na lang nawala ‘yung galit. Parang ‘Papa, dahil sa’yo kaya nakuha ko ‘to.’



“Tapos nanawagan pa nga ako nu’n, sabi ko gusto kong makita, mayakap ang papa ko. Hindi ko kailangan ng eksplanasyon niya bakit niya ginawa ‘yun, hindi ko kailangan ng sorry niya, isang yakap lang, Kuya Boy. Na hindi naganap,” aniya pa.

Pero bago raw maganap ang interview sa kanya ng Fast Talk with Boy Abunda, nang araw na yun ay ipinadala ng tita niya mula sa Mindanao ang address daw ng kanyang tatay.

Kaya ngayon ay pinag-isipan niya kung pupuntahan ang ibinigay sa kanyang address.

“Closure lang, buhay, patay, kasi meron kasing nagsabi na buhay, maraming nakakita, may nagsabing patay.”

Nauna nga rito ay may nakapagsabi sa kanya na nakasama nito ang tatay niya at patay na raw ito.

“Walang nakakaalam ng pangalan kong taga-Manila na Jojo Campo. Kung alam mo ‘yung pangalan ko, taga-Mindanao ka, taga-amin ka,” sey pa ng aktres.

Patuloy ng aktres, “Parang sabi ko, ‘Pupuntahan ko, gusto ko lang ng closure.’ Patay o buhay, gusto ko siyang makita.

“Kung patay, gusto ko siyang makita just to say ba-bye, Papay, and I love you and thank you. Dahil sa’yo, naging inspirasyon kita, nagpursigi talaga ako.”

***

LAST year sa Magpasikat, ang grupo nina Kim Chiu, Ion Perez at Jhong Hilario ang tinanghal na Grand Champion sa limang grupo ng mga hosts ng It’s Showtime, na naglaban-laban.

This year, sa Magpasikat, grand champion na naman ang grupo ni Kim, na ang ka-team niya ay sina Ogie Alcasid, MC at Lassy Marquez.

Back-to-back win ang chinitang aktres, huh!

Hindi nga napiligilan ni Kim na humagulgol, tumili at tumalon sa kanilang pagkapanalo.

Deserving naman ang grupo nila na manalo. Maganda ang kanilang production number at sa totoo, ang grabeng performance ni Kim, na buwis-buhay ang malaking factor kung bakit sila nanalo.

Ang husay-husay ni Kim sa kanilang production number. Wala talaga siyang takot sa ginawa niya. Palaban talaga si Kim, sa totoo lang.

Second placer naman ang grupo nina Jhong, Jackie at Cean.

At tinanghal na third placer ang grupo nina Anne, Jugs and Teddy.

Congratuations team Kim, Ogie, MC at Lassy