Advertisers

Advertisers

PAGTITIPON PARA TALAKAYIN ANG TERROR GROOMING

0 10

Advertisers

‘TERROR grooming’, pamamaraan ng mga kakaunti ng komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF, sa mapandayang pamamaraan para mahikayat ang ating mga kabataan na mapabilang sa kanila.

Hanggang ngayon ay gumagalaw pa rin ang mga komunistang-teroristang mga yan sa ating mga paaralan at mga unibersidad. Dahil gaya nga ng aking nasabi, “kakaunti” na lang sila, kaya masigasig na nagre-recruit na naman ang mga pesteng ito ng ating lipunan.

Ginanap ang isa sa pinaka-malaking pagtitipon para dito, at nagsama ang Coordinating Council of Private Educational Associations o’ Cocopea at ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para palawakin ang kampanya sa kamalayan sa impormasyon tungkol sa ‘terror grooming.’



Sumama sa pagpupulong ang mga kumakatawan sa mahigit 1,500 pribadong paaralan sa buong bansa, at nagkaisa sa iisang layunin ng pakikipagtulungan upang maprotektahan ang ating mga kabataan.

Tinalakay nila dito ang pagtugon sa mga ugat ng insurhensyang komunista at pagtataguyod ng kapayapaan at pag-unlad sa mga apektadong komunidad.

Layon din ng pulong na maabot ng Cocopea at NTF-ELCAC ang mga kabataan at bigyan sila ng tamang impormasyon upang maprotektahan sila mula sa mga maling impluwensya.

Ayon sa NTF-ELCAC, patuloy ang pagsisikap ng CPP-NPA na mang-recruit ng mga bagong miyembro, lalo na sa mga kabataan. Kahit humihina na ang kanilang bilang, nananatili pa rin ang banta ng kanilang ideolohiya.

Sa mga ganitong pagpupulong, makakasiguro tayo na magkakaroon tayo ng pamamaraan para kontrahin ang mapanglinlang na pagrerecruit ng NPA sa ating mga kabataan, lalo na sa ating mga anak at mahal sa buhay.



Kailangan di tayo tumigil sa mga pagbalangkas ng paraan para kontrahin ang CPP-NPA-NDF at di maagaw ang ating mga anak sa ating mga piling.

Tamang galaw ito. At para naman sa atin, kailangang makiisa tayo sa kanila upang ang ating mga paaralan o’ unibersidad ay di ma-infiltrate ng mga pesteng komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.